Nabawi ni Malaya ang kanyang katawang lupa at muling nakita ang kinilalang baba at iloy. Ipinangako niya na sa muling pagbabalik, kasama na niya si Mayang.

*

Kinausap ni Lisantonillo si Esperanza at sinabing si Simeon ang ama ng dinadala nito. May lahi ito ng diwata kaya mabilis ang paglaki.

Dahil sa kahihiyan, nais ni Victoria an ipalaglag ang bata sa sinapupunan ni Esperanza. Tutol si Juancho dahil magagamit nila ang kapangyarihan bata. Gumawa ng paraan si Juancho upang ‘di mahulog sa kahihiyan ang kanilang pamilya. Hinanap niya ang masugid na manliligaw ni Esperanza -si Mariano. Kinumbinsi nila itong pakasalan ang dalaga. Ayon sa kwento ni Juancho, ang ama ng dinadala ng anak ay namatay sa isang digmaan sa kanilang incomienda.

Subalit ayaw ni Esperanza na pakasal kay Mariano. Hindi niya ito mahal at si Simeon/Malaya pa rin ang laman ng puso niya.

*

Balak ng mga kastila na sugurin ang banwa nina Tarong matapos paslangin si Linang. Nasa paanan pa lamang sila ng bundok ay biglang sumama ang panahon at gumulong ang mga naglalakihang bato. Nagsitakas ang mga sundalo at si Senyor Javier lang ang natira.

Nahintakutan ang pinuno nang makita si Simeon, sa pag-aakalang multo ito. Sinabi naman ni Magayon kay Malaya na ang ito ang pumatay kay Linang. Pinatay ni Malaya ang pinuno at nasaksihan ito ni Tuhay. Natagpuan naman siya ni Lalahon.

Natagpuan si Cesario/Tuhay na walang malay. Subalit hindi siya pinaslang ng mga tropa nina Cosme sa kabila ng kanyang pagtataksil. Binalik siya ng kaibigang si Pedro sa Ilawud.

*

Nakabalik nga si Mayang sa kanilang banwa. Habang nagbibigay ng alay para sa namayapang ina, dumating si Malaya upang ipamalita na wala nang makakagambala sa kanilang banwa dahil sa proteksyon ng mga diawata.

* * * *

Disclaimer:

Hindi ko pagmamay-ari ang nasabing palabas.

Advertisements