Posts from the ‘Dance’ Category

KPOP Cover of the Week: BTS-Boys in Love by kaotsun

KPOP Cover of the Week: GOT7 -Girls Girls Girls by DP Growth

Gentleman by PSY

it’s upbeat… but the dance in the chorus was kinda awkward.

Downy and Ryzza’s Chacha

“Amoy ulam na ba kayo?”

Noong una, nakocornihan talaga ako sa bagong patalastas ng Downy, ‘yung may rubadabango?

“Let’s do the rubadabango

Downy’s rubadabango

When you rub, rub, rub and damit

Bango, bango!

Mari-release, Downy’s rubadabango!”

Pero ewan ko ba! Sa paglipas ng mga araw ay na-LSS ako.  Maya’t-maya ba namang pinapalabas eh.

“Step 1: I-rub ang sleeve

Step 2: itawid sa dibdib”

Hanggang sa pati na ang sayaw ay gayahin. Sa katunayan, naging habit na naming ito ng mga kaklase ko. Pampatanggal stress!

“Step 3: pahid-pahid sa body mo

Itaas mo ang bango!”

Kaya naman sa tuwing pinapatalastas ang Downy advertisement ay natatawa na lamang kami at napapaindak.

*  * *

“Tsarap, tsarap, tsarap, tsarap

Tsarap magchacha

Tsarap, tsarap, tsarap, tsarap

Chacha dabarkads”

Isa pa sa mga hit na dance craze ngayon ay ang chacha ni Ryzza. Kasama niya sa awiting ito ang mga komedyanteng sina Wally at Jose.

“Magchacha with a smiling face

Magchacha nang nakanganga”

Ang cute na batang si Ryzza Mae Dizon ang itinanghal na Little Miss Philippines ng 2012. Ngayon ay regular na siyang mapapanood sa noon time show na “Eat Bulaga.”

“Tsatsarap ang buhay

Just chachacha with dabarkads!”

Sa tuwing mapapanood ko ang batang ito, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang sarap kurutin! Bibo rin siya at marunong sumakay sa mga biro. Mature rin siyang mag-isip na animo matanda na.