Posts from the ‘Teen Gen’ Category

Teen Gen Ep 25

It’s official. AnggexTiago na!!!

Samantala, tuloy na ang kasal nina Peach at Wacks!!! Yay! =D

Ang kaso, kasalan na nga, ang dami pang hadlang. Talagang ayaw ni direk na makasal sila, noh?

My gulay naman, pasukan na. Ikasal niyo na ‘yang dalawa!

Teen Gen Ep 24

Habang nagkakaaberya sina Peach at Wacks sa kanilang kasal, nilalanggam naman sa ka-sweet-an sina Tiago at Angge. Pati sina Lyca at Lucho, nadamay sa away nina Peach.

Uy! Blind date na rin pala nina JV at Drew. Itong si Javi, tuloy pa rin sa bulok na diskarte sa pagproma kay Madison. Dati, Lyca at Lucho ako, ngayon at JaviXMadison na!!! =D

Ang ulam nina Angge at Tiago, Kimchi! Kaboom! Napasubo sa hamon si Tiago. Kailangan niyang ma-accomplish ang lahat ng nasa list. Langya! Kinopya pala ni Mackenzie ang listahan ng boyfriend requirements ni Angge! Ayun tuloy… nagka-allergy si Tiago. Tsk. Tsk.

Humingi ng dispensa si Lucho dahil hindi siya sumipot sa lunch ng kanyang future family.

Nang mabisto ni Angge ang listahang hawak ni Mackenzie, nagalit siya. Aruy! Sayang! Malapit na sanang um-oo si si Angge.

Tungkol sa blind date, nasira ang plano ng mag-seatmate para kina JV at Drew dahil ‘di makaka-attend ang dalawa. Javi took that chance para maka-date si Madison.

Teen Gen Ep 22

Grade Two pa lang si Angge, may listahan na siya ng mga requirements niya sa pagkakaroon ng boyfriend. Iyon ang ginamit niya ngayon para malaman kung sasagutin na ba niya si Tiago o hindi.

Kasabay nito ay may restoration project sa playground sa village, kung saan ginawa ni Angge ang listahan. Gora ang TG barkada! Team Gwapo versus Team Ganda na naman ito! =D

*

Ang mag-seatmate, nakaisip na mag-set up ng date para kina JV at Drew nang sa gayon ay magkaaminan na ang dalawa! Bumili sila ng bulaklak para kina JV at Drew. Nagkaasaran sina Javi at Madison dahil ng hindi pa nabibigyan ang dalaga ng bulaklak. Binigay na lang ni Javi kay Madison ‘yung binili nila. Nadatnan naman sila nina JV at Drew. Inakala pa nga na naggliligawan sila! XD

*

Si Wacks at Peach, naghanap na ng simbahan kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Doon na sana sila sa pinagsasambahan nila nang biglang may dumaang itim na pusa. Umayaw si Peach na iyon ang maging venue dahil malas daw. Imbes na mag-abala sa paghahanap ng simbahan, ‘yung wedding gown na lang ang inatupag nila. Hanggang doon, naniniwala pa rin si Peach sa kung anu-ano superstitious beliefs.

*

Si Violet naman ay galit na galit nang malaman na engaged na sina Wacks at Peach. Naapeaktuhan tuloy si Lucho. Parang ayaw na niyang matuloy ang kasal na naging sanhi ng pag-aaway nila ni Lyca.

* * * *

Disclaimer:

Hindi ko pagmamay-ari ang palabas.

Teen Gen Ep 21

For round two, maglalagay ng sticky note ang dalawang cupids. Pagandahan ng sinulat at bagay na ibibigay kina JV at Drew. Tulad na lang ng ibinigay na towel with note kay Drew na kunwari ay galing kay JV. Anyway, bet na bet ko ang tandem ng mag-seatmate na sina Madison at Javi! =D

Bagong lipat si Angge. Tinulungan siya ng TG barkada na maghakot ng gamit. Sabay may asungot na kapitbahay: ang kaibigan ni Tiago na si Anton. Mukhang may gusto yata kay Angge. Panay tuloy ang pambabakod ni Tiago. Kasabay ng house blessing, nagkainitan ng ulo sina Tiago at Anton. Naks naman, Angge. Haba ng hair! Nagalit tuloy si Angge. Nag-sorry si Tiago sa pamamagitan ng pagkanta. Dahil doon, bati na sila. =D

Si Peachy at Wacks naman, cool off muna. Pabara-bara na lang kasi kung mag-propose si Wacks. Umayaw tuloy si Peach. Pero nanakot ang lalaki na maghahanap ito ng ibang babae. Mukha namang spy si Peach kakabuntot kay Wacks, para lang malaman ang ginagawa nitong “pambababae.” Dahil doon, desidido na si Peach na pakasalan si Wacks.

Humantong si Peach at Lyca sa isang garden restaurant. Biglang nag-flash mob ang mga customers at waiters. Nang tumigil ang mga dancers, kumanta si Wacks ng theme song nila ni Peach. Nagpropose na si Wacks at yes na yes ang sagot ni Peach! =D

* * * *

Disclaimer:

Hindi ko pagmamay-ari ang nasabing palabas.

Teen Gen Ep 20

Nasa Ilocos pa rin si Peach at wala pang balita sina Wacks at Lyca tungkol sa kanya. Nag-alala tuloy si Wacks at balak siyang sunduin doon. Sabi ni Migs, mahabang biyahe ‘yun.

“Ano ba naman ang ten to twelve hours na biyahe para sa pinakamamahal mo?”

“Wow. Signs of aging?” haha! Ang epic mo, Migs! XD

Sumama rin sa roadtrip sina Lucho at Tiago.

On the way to Ilocos, may nag-hitch hike na bebot. Tamang hinala. Hinold up sila ng chika. Kinuha ang cellphone nila at tinapon sa damuhan ang susi ng sasakyan! Saklap!

Torres boys naman ang sapilitang nanghiram ng motor para habulin ang nanghold up sa kanila at kunin ang mga gamit nila. Ayos!

Humingi sila ng tulong sa kakilalang sundalo. Nalaman nilang hinuli pala si Peach dahil lasing.

Sa presinto, naroon din ang dalawang lalaki na inagawan nila ng motor. Nagpaliwanag si Wacks. Ang dahilan niya, pag-ibig. Hayun. Hindi na itinuloy ng dalawa ang pagsampa ang kaso sa Torres boys. Magkarelasyon pala ang dalawang lalaki! Umalis pang magkaholding hands. =D Pero, hindi nila nakita si Peach sa presintong iyon.

Sa dami ng kamalasang inabot nila, umuwi na lang sila. Nasa bahay na pala si Peach

*

Si Angge, kahit mayaman na ay nanatili pa ring Angge. Sabi nga ni Lyca, kung hindi siya kuripot, hindi siya si Angge.

Bumalik na si Madison, may cast ang kanang binti dahil may injury.  Si Javier nakakahalatang may gusto si Drew kay JV.

Nanood silang anim ng horror movie. Naghaharutan sina JV at Drew. Biglang may nakakatakot na eksena at napasandal si Madison kay Javier.

“Huwag mong sabihing wuma-one point ka rin sa’kin?”

Mas bet ko ang tambalan ng dalawang ito kumpara kay Itos! =D

Sayawan naman. Gagayahin lang ang mirrored dance sa screen. Si JV and nagturo kay Drew, nasa likod lang siya.

* * * *

Disclaimer:
Hindi ko pagmamay-ari ang nasabing palabas.

Teen Gen Ep 19

Naloko ng agency sina Momsy ni Angge. Hindi na tuloy sila makakapunta sa Korea. Nagkautang-utang sila at hindi na mababayaran pa ang renta sa bahay. Pupunta sila ng Sorsogon. Pero ayaw ni Angge kasi bukod sa inaalala niya ang mga suki niya, mami-miss niya rin ang TG barkada.

Javier de Leon at TG boys na sina JV, Lucho at Tiago, bati na. Basta TG girls daw, sa TG boys lang. Other girls, sa kanya na! K dot.

Sinamahan ni Wacks ang may bulutong na si Peach. Nanood sila ng movie. Sa kakadikit ni Wacks, nahawaan tuloy siya.

“Kapag mahal mo ang isang tao, walang arte-arte!” -Wacks

Nagbabalak nang bumalik si Violet sa States para mabigyan ng space si Wacks. Para nga naman magkaroon ito ng time for Peachy. Pero inisip niya na kapag nagkatuluyan sina Peach at Wacks, magiging magkapatid sina Lucho at Lyca.

Sagala 2013. Angge for Reyna Elena, proposed by Tiago. Kaso, si Angge mismo ang ayaw. Napapayag na sana ng TG barkada. Pero heto at Si Ate Sophie ang pumili ng Reyna Elena. Candice, tsinita at maputi = so Angge!

Dahil kailangang rumaket para makabayad sa utang, nagserbedera si Angge. Inapi-api siya na mala-Cinderella sa pangunguna ni Ate Sophie at Candice.

Javier VS Madison sa isang pick up battle. Ginamit ni Madison si Clover the dog para kuhain ang atensyon ng isang supladong lalaki. Success! Lumapit pa ito at nakipagpalit ng numero nito para raw makapag-date ang pets nila. Madison won the game! =D

Good news: hindi na uuwi ng Sorsogon sina Angge. Pinamanahan ang pamilya nila ng auntie nila nang malaking halaga. Mayaman na raw sila!

* * * *

Disclaimer:

Hindi ko pagmamay-ari ang nasabing palabas.

Teen Gen Ep 18

Tutol si Violet kung may namamagitan man kina Peachy at Wacks. Nabanggit ni Wacks na naging sila ni Peach. Pero sinabi ni Violet na siya pa rin naman ang ina ng anak nitong si Lucho. Humiwalay muna si Peach kay Wacks.

Confirmed! Si Tiago si Froggy. Natuwa ang mga bata sa story telling. Totoo raw talaga ang kwentong “Frog Prince.” Naging prince charming si Froggy! =D Sa tulong ng mga bata, nagkabati na sila ni Angge. Nagpalit pa ng prince costume si Tiago.

Sa kasamaang palad, nakita siya ni Ate Sophie niya at nalaman ang mga pinaggagagawa niya. Tiago, uwi! Pero ayaw ni Tiago. Nakipagbati siya kay Ate Sophie niya. Finally, okay na sila! Okay. Tiago, go back to your Princess Angge! =)

Sa arcade, naglalaro sila ng shooting game. Violet versus Peach. Pero sadyang hastler si Violet kaya nanalo ito. Hindi naman natambakan si Peach dahil hindi naman nagkalayo ang scores nila. Para naman kay Wacks, si Peachy pa rin ang panalo—sa puso niya! Wushu! Istilo mo, Wacks! => Nagpapicture sina Peachy at Wacks. Umeksena na naman si Violet. Amp. =(

Ipinagsigawan ni Tiago kung gaano niya kamahal si Angge, sabay nahulog sa swimming pool. He really fell for her—literally. Nag-alala tuloy si Angge. Pero nang malaman na nagbibiro lang si Tiago, nainis siya. He scared her to death!

Ang taray talaga ni Violet. Uuwi na ng lang sila mula sa resort, pagseselosin pa si Peach.

Super cheesy ng TG barkada. Na-miss tuloy ni JV ang long distance girlfriend niyang si Isabel. Binisita ni Madison ang facebook wall ni Isabel. May post ito sa wall ni JV na nagsasabing magbreak na raw sila.

Nabanggit ni Tiago na nanghihina siya. Sabi ni Angge, gutom lang daw yun. Pero bigla na lang itong nawalan ng ulirat. Hindi raw pala sanay mapagod si Tiago. Nagprisinta si Angge na mag-alaga kay Tiago at pumayag naman si Sophie.

To the rescue si bestfriend Drew kay JV. She played as Isabel. Sinabi namna sa kanya ni JV lahat ng gusto nitong sabihin kay Isabel. Ouch! Poor Drew! =(

Magde-date sana sina Peach at Wacks nang umeksena na naman si Violet. Darating daw ang therapist ni Lucho kaya naman hindi natuloy ang lakad nila.

Oplan pakikipagbati kay Isabel. Nabigo si JV na suyuin ang ex-GF kaya nagalit siya. Si Drew naman ang na-depress. Madison cheered her up. May mga lalaki talagang bobo sa pag-ibig. Hindi lang bobo, manhid pa!

Nagkatoon ng girl talk sina Violet at Peach. Ang reconciliation daw ng family nila ang makakapagpasaya kay Lucho. Oh come on! Hiniling tuloy ni Peach na itigil na nila ni Wacks ang muling nabubuo na relasyon nila.

Sabi ni Sophie, tatanggapin niya lang si Angge kapag sosyal na ito para bumagay kay Tiago. Pero ayaw ng ating bida na magbago para sa ibang tao. Alam niyang minahal siya ni Tiago bilang siya. That’s the spirit! Go, Angge! =)

-end of Ep 18-

* * * *

Disclaimer:

Hindi ko pagmamay-ari ang nasabing palabas.